June 28, 2009 at 5:40 am · Filed under Uncategorized
Takaw tingin
Di makalapit
Napipi na sa
Pagibig
Nakakadena
Sa selda ng
Pagsinta
Napako na sa
Pagkakatindig
Di mapakali
Naiihi na
sa sabik
Pero paralisado
Pa din
Ang lintik
Hihintayin atang
Magunaw ang
Mundo
Bago isiwalat
Ang saloobing
Kumukulo
Sayang kung
Pipigilan
Baka sa huli
Ito’y mauwi
Sa utot na lamang!
June 28, 2009 at 5:38 am · Filed under Uncategorized
Ang tunog ng hangin ay malumanay parang bumubulong sa aking tenga, parang nakahehele kaya ako ay inaantok na, payapa ang dulot nito sa aking isip at katawan nakakakalma ng kalooban. Hindi ako nangangamaba o natatakot, parang bughaw na langit ang aking nakikita dahil maaliwalas di lang ang pakiramdam at pati na ang nakikita. Gusto ko tuloy kumanta ng malakas na dinig ng lahat, hahawaan ko sila ng aking ligaya at kapayapaang nadarama. Maaaring mahawaan ko sila ng aking masayang pakiramdam kaya susunod din sila sa aking pagkanta. Ang ganda ng paligid parang umuusbong na mga bulaklak at dagat na may payapang alon. Lumalangoy ako sa galak at kaisa ko ang kalikasan. Bawat puno’y nakatindig, mga dahon nila’y sumasayaw, mga hayop masasaya, parang isang malawak at makulay na paraiso.